MAGBABALIK si Kris Aquino sa horror and she will start filming soon with Adolf Alix, Jr.. Ready na siya sa pag-arte uli sa harap ng camera.
Ito ang itsinika ni Kris sa kanyang Instagram account, saying that the horror film will be shown sa iFlix, isang internet service TV provider. Kung may mga na-excite meron ding nangnega kay Tetay.
“‘Yong acting niya sa horror at suspense is not even good, honestly speaking. I mean, she’d rather not kasi hindi naman siya versatile actress dito sa tin. Sa hosting, I love her kasi matalino siya. Sa pananamit, kakainggit din siya kasi she dresses with class,” wailed one basher.
“Laos ka na. Mag retiro kana. pls!” napaka-harsh na reaction ng isa pang basher.
“Sa horror lang kasi sya bagay kaya yan lage ang role niya,” said another guy.
Sey naman ng defender ni Kris, “Ayan tayo e. Inggit pa more. Negapamore. Wait n’yo na lang patutunayan ni Kris na sya pa rin ang Horror Queen!”