ABS-CBN pa rin ang numero unong network sa puso ng mga manonood noong Pebrero sa paghatid nito ng makabuluhang balita at aral matapos nitong magkamit ng average audience share na 46%, ayon sa datos ng Kantar Media.
Mas tinutukan sa parehong urban at rural homes ang ABS-CBN sa buong bansa, partikular na sa Metro Manila kung saan nakakuha ito ng average audience share na 40%. Pinanonood din ang Kapamilya network sa Total Luzon, kung saan nakapagrehistro ito ng average audience share na 42%; sa Total Visayas, 56%; at sa Total Mindanao, 52%.
Gabi-gabi pa ring pinatuloy sa kabahayan ang kwento ng kadakilaan sa FPJ’s Ang Probinsyano (41.2%) matapos muling manguna sa national TV ratings buong buwan. Sinundan ito ng Pilipinas Got Talent (39.6%) na linggo-linggong naghahatid ng world-class performances.
Number one pa rin sa viewers ang Maalaala Mo Kaya (33.9%), TV Patrol (32.2%), ang kontrobersyal na pagtatapos ng La Luna Sangre (31.7%%) nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, at Wansapantaym (30.7%) nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.
Pasok din sa listahan ang trending ending Wildflower (23.3%), Home Sweetie Home (23.3%), ang pagbabalik ni Erich Gonzales sa The Blood Sisters (22.7%), Rated K (22.6%) ni Korina Sanchez.
Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa lahat ng timeblocks noong Pebrero, patikular na sa primetime block (6 p.m. to 12 midnight) with 51%. Pinanood din ang Kapamilya network sa morning block (6 a.m. to 12 noon) with 39%; sa noontime block (12 noon to 3 p.m.), kung saan nakakuha ito ng 44%; at sa afternoon block (3 p.m. to 6 p.m.) with 42%.