Base sa kopyang nakuha ng INQUIRER.net, isinumite ng DOJ ang listahan sa Manila Regional Trial Court Branch 19 noong Pebrero 21.
Bukod kay Sison, kabilang sa mga isinama sa listahan ay si UN special rapporteur for the rights of indigenous people Victoria Tauli-Corpuz, na ayon sa DOJ ay miyembro ng CPP Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC).
Kasama rin sa listahan ng pinapadeklarang terorista ang mga lider ng CPP na sina Benito at Wilma Tiamzon, at mga miyembro ng National Democratic Front (NDF) peace negotiator na sina Luis Jalandoni, Coni Ledesma, Randall Echanis, at Rafael Baylosis, na kasalukuyang nakadetine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Nasa listahan din sina dating Bayan Muna Party-list Rep. Satur Ocampo, Katolikong pari na si Father Frank Fernandez, at Ilocos environmental activist Sherwin de Vera.
Nauna nang ipinalabas ni Pangulong Duterte ng Proclamation No. 374, na nagdedeklara sa CPP at NPA bilang teroristang organisasyon.