POEA nagbabala sa pekeng online registration system

NAGBABALA na ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Binalaan ang mga licensed recruitment agency at medical clinic na tumatanggap ng mga OFW, na huwag maniniwala sa mga pekeng online registration system na sinasabing pinamamahalaan ng Gulf Cooperation Council (GCC) Ministry of Health.

Sa abiso ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA, ) sinabi nitong pinasinungalingan ng Department of Health (DOH) na nag-apruba ito ng panuntunan na nanngangailangang magbayad ng registration fee na US$10 ang mga aplikante para sa kanilang Pre-Employment Medical Examination.

Pinagbawalan na rin ng DOH ang mga Medical Facilities for Overseas Workers and Seafarers (MFOWS) sa pagsali o paggamit ng nasabing online scheme.

Sa Department Circular No. 0371 na inilabas noong December 22, 2017, sinabi ng DOH na “dahil nagpapataw ng karagdagang bayad para sa online registration system sa mga aplikanteng OFW at limitado lamang sa piling DOH-accredited OFW clinic, maaari itong magamit sa ibang uri ng monopoly ng health examination service para sa mga Filipino migrant workers”.

Inabisuhan na rin ng POEA ang publiko at DOH-accredited clinics para sa mga OFW na i-report sa DOH ang anumang aktibidad kaugnay sa nasabing online registration system.

Administrator Bernard Olalia
POEA

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...