Geoff, Maya uunahin ang binyag ng anak bago magpakasal

GEOFF EIGENMANN AT MAYA

SUMAKTO ang pagbabalik sa GMA ni Geoff Eigenmann dahil meron na siyang anak. Tinanggap muli siya ng network matapos umalis at ngayo’y nasa GMA afternoon soap na Contessa.

Ayon kay Geoff sa nakaraang mediacon ng series, nabago ang pananaw niya sa buhay mula nang maging tatay na siya.

“Now, I have a new set of priorities. No longer just think of yourself but your family,” rason ni Geoff.

Ang singer na si Maya ang kanyang partner at ina ng anak. Aayusin muna nila ang binyag ng kanilang first baby bago magplano para sa kanilang kasal.

Si Glaiza de Castro ang bida sa Contessa at mapapanood simula sa Marso 19 sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga. Kasama rin dito sina Gabby Eigenmann, Lauren Young at marami pang iba.

Read more...