Marjorie handa nang ibandera ang katotohanan tungkol sa anak

MARJORIE BARRETTO

KONTING panahon na lang ang kailangan nating hintayin para si Marjorie Barretto mismo ang magbunyag sa pagkakakilanlan sa batang babae na inilabas niya ang larawan sa social media.

Siya ang tanging may karapatang gumawa nu’n dahil siya ang ina ng bata, siya ang nakakaalam kung sino ang ama nito, ang kabuuang kuwento ay dapat lang magmula sa aktres.

Ang mahalaga, pagkatapos nang limang taon ay gumawa na ng aksiyon si Marjorie para ipakita sa publiko ang itsura ng bata, magandang senyal na ‘yun na isang araw ay lalabas siya at ikukuwento niya ang istorya.

At walang masama sa kanyang ginawa, ang bawat bata ay biyaya ng langit, hindi dapat itinatago kundi ipinagmamalaki.

Nagdenay na si Dennis Padilla, hindi raw ito ang ama ng batang babae, ang anak lang nila ni Marjorie ay sina Julia, Klaudia at Leon.

Kung hindi si Dennis ang ama ng batang babae ay imposible namang ipinagdalantao ni Marjorie ang bata nang walang ama?

‘Yun ang kailangan nating hintayin, si Marjorie lang ang may karapatang maglantad ng katotohanan, konting panahon na lang ang kailangan nating ipaghintay.

Marami nang kuwentong lumalabas tungkol sa bata, pero mas maganda kung kay Marjorie Barretto natin malalaman mismo ang mga detalye, tanging ina lang ang makapagbibigay ng mga eksaktong impormasyon tungkol sa limang taong batang babae.

Read more...