Tren ng MRT nasira 850 pasahero pinababa

MRT

Pinababa ang may 850 pasahero ng tren ng Metro Rail Transit 3 kahapon matapos magkaroon ng error ang ATP signaling system nito.

    Alas-5:53 ng umaga ng masira ang tren sa Guadalupe south bound station.
    “The whole train was unloaded, with approximately 850 passengers,” saad ng ipinadalang advisory ng DoTr-MRT. “One cause of ATP (Signaling) Error is worn-out ATP sub-components (e.g. ATP sensor).”
    Noong Lunes ng hapon ay isang tren din ng MRT ang nagkaroon ng ATP signaling error alas-5:13 ng hapon.
    Pinababa ang may 350 pasahero sa Quezon Ave., southbound.
    Kahapon ay nagbigay naman ng libreng sakay sa mga kababaihan ang Light Rail Transit 2 at MRT 3.
    Ang libreng sakay ay para sa pagdiriwang ng International Women’s Day at Ipinatupad mula alas-7 hanggang 9 ng umaga at mula 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.

Read more...