Park Shin Hye at ‘My Suspicious Partner’ actor Choi Tae Joon nagdi-date na

KINUMPIRMA ng mga agency ng Korean actress na si Park Shin Hye at isa sa mga bida ng ‘My Suspicious Partner’ na si Choi Tae Joon na nagdi-date ang dalawa.

Ayon pa sa ulat, mahigit isang taon ang relasyon ng dalawa.
Parehong estudyante sina Shin Hye at Tae Joon ng Chung Ang University at sinasabing matagal na silang malapit sa isa’t-isa.
Noong isang taon bumisita pa si Shin Hye sa Pilipinas. Kabilang sa mga tumatak na Korean drama ni Shin Hye ang The Heirs, Boys Over Flowers, Doctors, at Pinocchio.

Read more...