“What we do is monitor ‘yung posibleng pagtatago nila.. Since galing sila sa Mindanao, it’s apparent and basic na sa Muslim enclaves sila magtatago at magsi-seek ng refuge,” sabi ni Albayalde sa pulong-balitaan.
Ibinigay ni Albayalde ang mga pahayag matapos maaresto sa Maynila ang isang sub-leader ng ISIS-backed Maute group na kumubkob sa Marawi City, at ilang dayuhang bahagi din umano ng mga teroristang grupo.
Nagsilbi din itong rekasyon ng NCRPO chief sa impormasyon mula sa militar na may 313 miyembro ng Maute-ISIS na nakatakas sa Marawi at nagtatago ngayon sa iba-ibang lugar.
Ayon kay Albayalde, mahigit 70 ang “Muslim enclaves” sa Kamaynilaan, ngunit di pa tiyak kung lahat ito ay pinagtataguan ng mga tumakas na terorista.
Kabilang sa mga mino-monitor ngayon ay yang mga nasa Maynila, Taguig City, at Muntinlupa City, aniya.
Nakikipag-ugnayan ang NCRPO sa mga lider ng Muslim communities at tiniyak ng mga ito ang suporta sa kampanya kontra terorismo ng pulisya, ani Albayalde.
MOST READ
LATEST STORIES