Lady Warriors pinaamo ang Tigresses

IPINAGPATULOY ng University of the East ang impresibong paglalaro tungo sa pag-angkin ng 25-23, 18-25, 28-26, 26-24  panalo kontra University of Sto. Tomas sa second round elimination ng UAAP Season 80 women’s volleyball sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City Miyerkules ng hapon.

Ito ang  back-to-back win ng Lady Warriors matapos itakas ang five-set victory kontra Adamson noong Linggo upang pagandahin ang kartada sa 2-6 katabla ang Tigresses na nalasap ang kanilang ikaapat na sunod na pagkakabigo.

Nanguna si Mary Anne Mendrez para sa UE na may 21 puntos, 15 mula sa attacks habang nagtala si Shaya Adorador ng 15 puntos. Gumana rin para sa Lady Warriors ang libero na si Kath Arado na may 32 excellent receptions at 28 digs.

Kinapos naman ang 25-point outing ni Sisi Rondina para sa UST.

Read more...