Glaiza binigyan ng 2 leading man sa Contessa ng GMA


AT moment na rin lang ang usapan, nais namin itong ibigay sa magaling na bida-kontrabida actress na si Glaiza de Castro na muling mapapanood sa afternoon seryeng Contessa ng GMA 7.

Balik-pagbibida si Glaiza sa isa na namang challenging role na bagay na bagay sa kanya.

Matagal na naming kilala ang magaling na aktres kaya’t naniniwala kaming sa kanyang competence at angking appeal ay keri na niyang magdala ng sariling soap opera tulad nga nitong Contessa na magsisimula na sa March 19 after ng Eat Bulaga.

“Grateful and honored uli sa tiwalang ibinigay ng GMA,” sey ni Glaiza sa kanyang bagong project kung saan makakatambal niya sina Geoff Eigenmann at Jak Roberto.

Biniro nga namin ang aktres na sobrang haba ng hair niya dahil dala-dalawa na rin ngayon ang kanyang leading men.

Part din ng serye ang mga paborito naming sina Chanda Romero at Tetchie Agbayani na ang gaganda pa rin until now at very sweet pa rin sa amin. Ha-hahahaha!

May espesyal na role din sa Contessa si Mark Herras, bukod pa sa ibang cast members na sina Gabby Eigenmann, Lauren Young, Leandro Baldemor, Bernadette Allyson, Melissa Mendez at Tanya Gomez.

Read more...