Anne sumakay ng helicopter para makaabot sa It’s Showtime


ANNE Curtis had netizens talking when she posted an Instagram story.

Katatapos lang ni Anne na maging speaker sa Negosyo Filipino Entrepreneur Summit and she needed to report to It’s Showtime.

Since aware siya sa grabeng trapik at alam na alam niyang hindi siya aabot sa noontime show ng Dos ay nagpasya siyang sumakay sa helicopter.

“When you have to beat the traffic to make it for Showtime.”

‘Yan ang say ni Anne sa IG photo niya. Sa 32 seconds video ay ipinakita si Anne na pasakay siya sa helicopter.

q q q

May kilig pa ring dala ang tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa Sana Dalawa Ang Puso. When Richard posted a selfie photo with Jodi, ang daming natuwa.

“Wow nakakakilig kau.”

“Kalma!!!! Inhale exhale!!! Tumatalon na naman puso ko. Nagwawala eh.”

“Thank you po Sir @iamrichardyap for sharing another selfie added for my collection! Thank you too Madir @jodistamaria.”

“Thank you ser chief este ser Martin @iamrichardyap sa pag share ng picture. Napasaya nyo po ang pusong MaMon at SaTin ko.”

“The best loveteams. my favorite. iniyakan ko ang pagtatapos ng Be Careful with my Heart.”
Samantala, sobrang na-enjoy ni Lisa (Jodi) ang birthday party ni Tam kaya naman nakalimot siya sa oras sa Sana Dalawa Ang Puso.

May engagement party siya with Martin (Richard), pero dahil sobrang saya ang party ni Tam ay nawala ito sa kanyang isip. Nag-enjoy siya sa palaro lalo pa’t nag-Trip to Jerusalem siya. Aksidenteng napakandong siya kay Leo Tabayoyong (Robin Padilla) sa nasabing parlor game kaya na-out siya.

Sa sobrang pagod ay nakatulog si Lisa sa bahay ni Leo. Ayun, na-late tuloy siya sa party in her honor.

Read more...