Kalat na: Sofia Andres nagsuplada raw sa blogcon

NOON pa kami nakakarinig ng mga kuwento tungkol sa pagiging masungit ni Sofia Andres, lalo na raw kapag pagod na ito sa pagtatrabaho.

Kaya itong bagong tsika sa kanya kaugnay ng diumano’y pagsusuplada (o pag-make face) sa isang blogger’s conference para sa seryeng Bagani nang tanungin ng isang Mangyan blogger, ay hindi na bago sa amin.

Bilang pagtatanggol, sinabi na lang ni Sofia through her social media account na siya’y “too tired to be too nice” bilang sagot sa mga bashers.

Nasa gitna ngayon ng kontrobersya at masusing pagtutok ang fantaserye nila mula sa hanay ng katutubong Manobo at mga opisyal ng CHED dahil sa pangambang baka maiba ang kahulugan ng “Bagani” sa nakagisnan nating historical concept.

At kahit naglabas na ng statement ang ABS-CBN para sabihing walang intensyong makasakit o maka-offend ng indigenous tribes sa bansa, mukhang mas seryoso ang hanay ng mga educators na ipaglaban ang kanilang nalalaman pagdating sa kasaysayan.
Anyway, sadyang gusto lang sigurong mag-moment ni Sofia bilang isa lang naman siya sa mga bida sa

bagong fantaserye ng Kapamilya Network na ang pambenta talaga ay ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Read more...