BUMUWELTA ang Queen of Soul na si Jaya sa lahat ng nam-bash at nang-okray sa kanya dahil sa isang kontrobersiyal na episode ng Tawag Ng Tanghalan sa Showtime kung saan sunud-sunod na na-gong ang tatlong contestants.
Ipinaliwanag ni Jaya ang naging desisyon niya bilang Punong Hurado, “Alam n’yo kung bakit? Mahirap po kasing masira ang kredibilidad mo. Alam mo na ang naririnig mo tapos pagbibigyan mo. So is it about being fair? Or is it about naaawa ka?”
Nakachika ng ilang members ng entertainment press ang singer sa ginanap na media conference ng Cornerstone Entertainment kung saan in-announce ang walong bonggang concert na kanilang ipo-produce this year.
Ias na nga rito ang pagsasamahang major concert nina Jaya, Jay-R at Jason Dy, ang “Soul & R&B Royalities” na magaganap sa KIA Theater ngayong darating na August. under Cornerstone Concerts.
Sey pa ni Jaya sa “gong” issue, “For me, if you know you are going to sing and you know that this is a competition, you get that one shot. You do it like it’s the last time you are going to sing. Now if I see something wrong, magbibigay ako ng chance. But at the same time, I have to be fair to the others.”
Hirit pa niya, “Pero mahal po namin ang lahat ng contenders ng ‘Tawag ng Tanghalan’ dahil ‘pag wala po sila, wala pong show.”