Anak ni Claudine may mabigat na hugot sa lovelife ni Raymart

CLAUDINE BARRETTO AT RAYMART SANTIAGO

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang mga nakakaintrigang Instagram post ng isang @superswagsab13 na pinaniniwalaang pag-aari ng anak nina Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Sabina.

Nag-post kasi ang bagets ng tatlong quote cards na patungkol daw sa kanyang amang si Raymart. Naka-tag dito ang IG accounts ng aktor at ang rumored girlfriend nitong si Aurora “AC” Legarda na pinsan daw ni Sen. Loren Legarda.

“Your soulmate is not another person’s spouse. Sorry.”

“May dad broke my heart way before any boy had the chance to.”

“Someday you’ll realize the damage that you’ve caused.” ‘Yan ang sunud-sunod na post ni Sabina. Sa huli, sinabi pa nitong, “ATTENTION!! @raymartsantiago @aurora_leg YOU GUYS HAPPY NOW?”

Base sa mga ipinost ng anak ni Claudine, tila kontra ito sa pakikiparelasyon ng kanyang ama sa ibang babae. Bukas ang pahinang ito sa paliwanag ng mga taong nabanggit sa artikulong ito para maliwanagan ang lahat ng nakabasa sa mga post ni Sabina.

Read more...