Masakit na sa balat ang sinag ng araw kapag tanghaling tapat pero hindi pa tag-init.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration hindi pa umaalis ang hanging Amihan (northeast monsoon) sa bansa.
Kapag nakompleto umano ang pamantayan na pinagbabasehan nito ay tsaka pa lamang idedeklara ang tag-init.
Naaapektuhan umano ang amihan ng high pressure area sa Siberia at mayroon ding low pressure area sa Japan.
Sa Biyernes ay inaasahan umano na muling mararamdaman ang malamig na hangin mula sa amihan at mararamdaman ito sa mga lugar na nasa hilaga ng Luzon.
Inaasahan na mas magiging maaga ang tag-init ngayong taon. Noong nakaraang taon ay Abril idineklara ang tag-init.
MOST READ
LATEST STORIES