Motor nabundol ng bus; 2 patay

Patay ang isang lalaki at kanyang angkas nang mabundol ng pampasaherong bus ang sinakyan nilang motorsiklo, sa Sto. Domingo, Ilocos Sur.
Dinala pa sa ospital ang driver ng motor na si Cesar Guillermo, 33, ngunit binawian ng buhay habang nilulunasan, ayon sa ulat ng Ilocos regional police.
Idineklara namang patay sa pinangyarihan ang di pa kilalang angkas ni Guillermo.
Naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng umaga Lunes, sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Parada.
Minamaneho ni Guillermo ang motor pa-timog, nang mabundol mula sa likod ng GMW Trans bus (NYH-658) na dala ni Emar Bong Bong Pascual.
Nasa kostudiya ngayon ng pulisya ang bus driver para sa karagdagang imbestigasyon.

Read more...