Trak, 2 sakay nalibing nang buhay

Pinaghahanap ngayon ng mga rescuer ang dalawang lalaki na natabunan ng landslide kasama ng sinakyan nilang trak, sa Anda, Bohol, Lunes ng hapon.
Naganap ang insidente dakong alas-4:45 sa Brgy. Candabong, sabi ni Supt. Reyman Tolentin, tagapagsalita ng Central Visayas regional police.
Sakay ng mini-dump truck ang dalawang lalaki nang aksidenteng maguhuan ng lupa, aniya.
Nagka-quarry umano ng limestone ang mga biktima noon, ayon sa isang ulat sa radyo.
Hindi umulan bago ang insidente, pero pinaniniwalaang malambot pa rin ang lupa dahil sa pagdaan ng baguo noong nakaraang buwan, ayon pa sa ulat. (John Roson)

Read more...