Liza naging inspirasyon ni Jett Pangan sa pagsulat muli ng mga kanta

THIRTY years na pala sa music industry ang member ng grupong The Dawn na si Jett Pangan.

Kamakailan ay pumirma siya ng contract sa Star Music.

Very soon ay muli siyang magiging active sa music scene with new compositions. Pero alam n’yo ba kung sino ang naging inspirasyon niya sa pagsulat uli ng mga kanta?

“Si Liza Soberano. Well, I heard certain plans kasi for Liza, for a teleserye. Naging inspiration ‘yun na parang isa siyang unattainable na tao,” sey ni Jet. Hindi pa raw niya kakilala nang personal si Liza, “Nagdaanan lang kami. Ngumiti naman siya sa akin. Ngumiti din ako.”

Read more...