Bagani ng LizQuen 2 taon pinaghandaan bago nabuo ng ABS-CBN

KUNG ang mga artista ay walang pahinga, ganito rin halos ang mga in-house director ng ABS-CBN tulad ni Direk Lester Pimentel na kata-tapos lang nga sa La Luna Sangre pero heto’t katuwang na agad siya ni Direk Richard Arellano para sa teleseryeng Bagani na eere na ngayong Lunes, Marso 5.

Hindi masyadong matunog ang pangalan ni direk Lester tulad ng ibang director ng ABS-CBN o Star Creatives dahil hindi naman kasi siya pumopronta kapag may presscon ang bago niyang programa, tulad ng ginagawa ng direktor na laging behind the camera ay ganito rin siya, laging behind din sa presscon.

Pero hindi puwedeng forever na hindi makilala nang personal si direk Lester ng press dahil sa kanya ay magaganda ang fight scenes ng mga programang La Luna Sangre, Palos, Imortal, Pedro Penduko at iba pa.

Sa kanya rin pinapa-workshop ang mga artistang may fight scenes sa mga programa o pelikulang gagawin nila dahil may kakayahang magturo si direk bilang isa nga siyang World Champion sa Wushu. Naging trainor din siya ng Philippine National Team.

Sabi nga, “tigasin” si direk Lester sa larangan ng martial arts, pero sinong mag-aakala na isa pala siyang restaurateur at kasosyo niya ang aktor na si Richard Yap sa Wangfu Chinese Café na madalas naming kinakainan sa ll Terazzo.

Tatlong Wangfu branches pa ang binuksan ni direk Lester, ang Ayala Cloverleaf, Vertis North at Ayala 30th (Meralco Avenue).

Aniya, “While there is an emerging passion for directing action materials, food is still one of my first love. With the expansion of Wangfu, I, together with Richard and our partners are looking forward to opening more branches in the coming months and years.”

Going back to Bagani, i-namin din ni direk Lester na masyado siyang nagulat nu’ng ialok sa kanya ang malaking seryeng ito nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Kuwento niya, “When the concept was presented to me last 2016, my thoughts at that time was, ‘We don’t have the available talents and actors’ skills set to mount such a huge project.’

“But ABS-CBN and Star Creatives allowed me to start from scratch and train our actors and talents to produce skill sets to make Bagani a reality. It was a long process, two years and counting, but it was super worth it. Sana suportahan ng manonood.”

Read more...