SELF-BETRAYAL.
Maliwanag na mismong si PCOO ASec Mocha Uson ang nagkakanulo sa kanyang sarili on her blog patungkol sa balitang pagtakbo niya sa pagka-Senador sa 2019.
Consider her vascillating thoughts.
Aniya, wala raw sa kanyang agenda ang pumalaot sa pulitika. Hindi naman daw kasi siya isang abogado (so, why is she taking up Law in the first place?).
Binalikan din ni Mocha ang kanyang nakaraan, wari’y sinasang-ayunan ang public perception sa kanya bilang isang hamak na sexy dancer lang.
This being the premise, wala ngang pagpapahiwatig si Mocha that she’s chasing a senatorial dream (or illusion?). Pero huwag ka, may umiikot na survey sa kanyang mismong blog pitting herself against Senator Bam Aquino as to which of them will the Filipinos support.
Ano ‘yun? Walang ambis-yon si Mocha na tumakbong Senador, pero may pa-survey siya?
At eto pa. Mocha is deliberately sowing public confusion sa kanyang footnote (my foot, take note!) na bahala na kung ano ang kanyang magiging desisyon.
Meaning, she’s not closing her doors; her statement, no finality. So, ano’ng ibig sabihin? Eh, ‘di tatakbo nga siya.
Aside from this subtext na malinaw naman and needs no further litany, Mocha’s urong-sulong mien is only reminiscent noong hindi pa rin buo ang loob ni then-Davao City Mayor Digong Duterte na tumakbo sa pagka-Presidente.
The President’s adamant stance has been archived para ipaalala sa taumbayan na siya mismo ang kumain ng kanyang sinabi. Pero dahil sa massive at overwhelming support behind him, his next move needed no seer’s forecast.
Mukhang ganito rin ang kinokopyang strategy sans copyright ni Mocha: pakipot sa umpisa pero bibigay rin pala sa bandang huli.