Para sa may kaarawan ngayon: Isang maikli ang buhok na cute ang magbibigay sa’yo ng suwerte. Siya rin ang mahiwagang nilalang na tutulong sa iyo sa mga problemang pang-pinansiyal. Sa pag-ibig, tuloy ang pasok ng salapi habang in love ka. Mapalad ang 5, 14, 23, 37, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Karma-Yoga-Ashana-Om.” White at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Mag-alaga ng kahit na anong uri ng hayop upang suwertehin. Sa negosyo, mag-display ng larawan ng kahit anong hayop sa’yong business site. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng lovebirds. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Naraya.” Navy blue at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—SA pinansyal, ngayon mo maiisip na mahalaga pala ang may ipon. Hindi pa huli ang lahat, magipon ka kahit maliit na halaga, bandang huli dadami rin yan. Sa pag-ibig, isang kasamahan sa trabaho ang unti-unti ng nagkakagusto sa ‘yo. Mapalad ang 3, 15, 30, 39, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Visnu-Om.” Pink at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Subukang makipag-sapalaran sa ibayong dagat. Sa pag-aabroad, dalawang bagay ang makakamit, tagumpay na may kaugnayan sa materyal na bagay at matamis at masarap na pag-ibig. Mapalad ang 5, 17, 23, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Sicto-Om.” Beige at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Panahon na upang isulat ang mga magagandang bagay na laman ng iyong isipan at gumawa ka ng libro. Sa pagawa ng libro, mas magiging maligaya at kikita ka ng malaking halaga. Mapalad ang 7, 11, 29, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Buddha-Bhagata-Govinda.” Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Tuloy-tuloy na papasok ang malaking income habang umiinit ang panahon. Tanggap lang ng tanggap sa mga magagandang oportunidad na dumarating, bago tuluyang makaalpas. Sa pag-ibig, samantalahin ang napakasarap na relasyon bago tuluyang mapugto at lumipas. Mapalad ang 1, 18, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Red at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Seryosohin ang paghahanap buhay at pagiipon ng pera, sa edad mong 41pataas makikita mo yayaman ka na. Sa pag-ibig, hanggat hindi mo ibinibigay ang 100% na pagmamahal hindi ka magiging maligaya. Mapalad ang 4, 9, 25, 22, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohah-Yotah-Om.” Blue at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Wag hayaang maging chubby, sa sandaling tumaba ka ng husto, maaaring palitan ka ng kasuyong Aquarius. Panatiliin ang pagiging sexy, sa unang oras sa umaga piliting makapag- jogging. Mapalad ang 6, 18, 27, 39, 42 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Gawing mabilis at may konsentrasyon ang mga bagay na iniisip mo, upang umunlad. Sa pag-ibig, isa isantabi mo na ang puso, salapi ang higit na mas mahalaga. Mapalad ang 1, 14, 19, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Pera-pera lang, walang personalan!” Emerald green at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kakaibang pag-ibig ang mararanasan! May sarap at kakaibang kilig. Sa pinansiyal, mabilis na aangat ang graph ng pag-unlad sa aspetong pananalapi. Mapalad ang 1, 13, 28, 36, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Om”. Maroon at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Upang lalo pang yumaman, simulan ang produktong may kaugnayan sa agrikultura at pagkain. Sa pag-ibig, suwerteng kapartner at kasosyo sa negosyo silang isinilang sa petsang 5, 14, at 23. Mapalad ang 4, 12, 15, 26, 36, at 45, Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhar-Masya-Om.” Green at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pagsusungit walang biyayang makakamit. Panatiliin ang pagiging mabait. Habang nagpapakabuti lalong uunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, wag madamot, ipadama sa kasuyo ang wagas, ang masarap at ang nakababaliw na romansa at pag-ibig. Mapalad ang 5, 17, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Anilam-Bastam-Om.” White at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Umiwas sa mga balasubas at manunuba, wag ipautang ang salapi kung kanikanino, upang hindi ka magsisi sa bandang huli. Sa pag-ibig, sa isang kayumangging nilalang muling titibok ang puso. Mapalad ang 2, 7, 16, 20, 29, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Purana-Avidya-Om.” Orange at yellow ang buenas.