Baron binugbog sa loob ng bahay, duguang mukha ibinandera sa socmed

IBINANDERA ni Baron Geisler ang duguan niyang mukha sa social media matapos daw siyang bugbugin ng kanyang brother in law.

Sa kanyang Instagram account, ipinakita ni Baron ang selfie photo niya kung saan makikita ang bugbog-sarado niyang mukha. Bukod dito may ipinost din siyang medical certificate mula sa Angeles Police Station 3.

Ayon kay Baron, nangyari ang insidente sa mismong bahay niya sa Don Bonifacio Cruz Avenue, Barangay Pulung Maragul, Angeles City, dakong alas-2 ng madaling-araw kahapon.

Nilagyan ni Baron ang kanyang IG photo ng caption na: “What to do? Break in and bugbug by family. Wow. Still forgive them. Pera pera pag Alana si Mama.”

Balitang agad na nagtungo ang kontrobersyal na aktor sa police station para i-report ang nangyari at para humingi ng medical examination certificate mula sa hospital director ng Rafael Lazalin Medical Memorial Center.

Nagpagamot din ng kanyang mga sugat at pasa ang binata sa Angeles University Foundation Hospital.

Ayon sa isang ulat, medyo nakainom daw si Baron nang mag-report sa police station kaya hindi masyadong naiintindihan ang sinasabi nito. Hindi pinangalanan ng aktor ang kanyang brother in law at hindi rin daw siya nagsampa ng pormal na kaso laban dito.

Read more...