Jovit sa laiterang basher: Inaano ka ba ng itsura ko?!

JOVIT BALDIVINO

NAINSULTO ang Kapamilya singer na si Jovit Baldivino sa panglalait at pagmumura sa kanya ng isang basher sa Instagram.

Sa comment section ng IG post ng kauna-unahang Pilipinas Got Talent champion, inokray siya nang bonggang-bongga ng isang netizen. Deleted na ang komento ng follower (@ayamarie) ni Jovit pero naroon pa ang naging sagot ng singer.

Resbak ng singer, “@ayamarie_ mag dahan dahan ka sa mga sinasabi mo, unang una hindi kita kilala. Kaano-ano ba kita? Pinakakain mo ba ako?

“Ano bang masama na ginawa ko sa ‘yo? Kung makapagsalita ka ng gago akala mo naman pakain mo ako?! Hindi ko naman sinasabi na gwapo ako, inaano ka ba ng itsura ko?!”

Hirit pa niya sa ibang bashers na nanlait din sa kanya, “Wag ka nang sumabay sa alon, gagaya ka pa sa kanila, tsssk. pero Godbless pa din te.”

Noong nakaraang taon ay naging kontrobersyal si Jovit nang mabalitang niloloko niya ang kanyang ex-girlfriend.

Read more...