Sam super iwas sa pagiging bisexual ni Mark

SAM MILBY

IWAS na iwas si Sam Milby sa isyu ng pag-come out ng kanyang kaibigang si Mark Bautista.

Sa presscon ng bagong pelikula ni Sam na “Ang Pambansang Third Wheel” kasama si Yassi Pressman, tinanong ang binata kung ano ang masasabi niya sa pagiging bisexual ni Mark na nakakasama niya noon sa ASAP at ilang mga live concert. Bukod dito, muling nabuhay ang tsismis sa pagitan nina Mark at isa pang kaibigan ni Sam na si Piolo Pascual.

Kung matatandaan, naging bahagi sila ng grupong Pop Icons kung saan nakasama rin nila sina Christian Bautista at Erik Santos.

Sagot ni Sam, “Ako, I’d rather not give a comment. I don’t know. I feel that giving a comment would only make the issue bigger. I’m not part of it, so I should not give a comment.”

Dugtong pa ng hunk actor-singer, “If it’s a friend of mine that has an issue, it depends. Not in terms of this issue, ha, not this issue. Ako, when it comes to issue, there’s always an issue that would come up in showbiz.

“Pero walang proof, it’s always gonna be rumor, it’s always gonna be chismis. If you don’t have a proof, it’s hard to really say… there’s always gonna be chismis. That’s part of showbiz. So, when it comes to close friends and they have this issue na walang katotohanan talaga, parang nakakaawa na nakakainis din.

“Ang daming isyu na walang katotohanan pero ang daming naniniwala. With my issue before, I find it kinda funny. It’s just funny that so many people believe with what they hear, even if there’s no truth at all,” ani Sam na ang tinutukoy ay ang tsismis tungkol sa kanyang pagkalalaki.

Samantala, palabas na sa March 7 ang unang pelikulang pagtatambalan nila ni Yassi, ang romantic-comedy with a twist na “Ang Pambansang Third Wheel” under Viva Films, directed by Ivan Andrew Payawal. Kasama rin dito sina Alonzo Muhlach at Sam Pinto.

At dahil nga tungkol sa third wheel ang pelikula nina Sam at Yassi, natanong ang binata kung naka-relate ba siya sa kuwento nito dahil nga kaka-break lang nila ng kanyang huling girlfriend na si Mari Jasmin.

“There was no third party in that sense. Parang ako yung lagi nasa stage na naghahanap instead of working on myself muna, become full in that sense,” sagot ng aktor.

Dugtong pa ni Sam tungkol sa pagmu-move on, “They always say you can’t really move on unless you’re with somebody else. Can I say I have truly moved on? Yes and no. I’ve accepted I’m okay. I think it would be a struggle if I saw her.”

At dahil katambal nga niya si Yassi sa bagong movie ng Viva, tinukso rin sila ng media, baka raw pwedeng sila na lang, “Wag nyo ako pangunahan ‘di ba? Kahit ako hindi pa ako ready working on a break-up. Happy ako sa friendship namin ni Yassi.”

Sa movie, gagampanan ni Sam ang karakter ni Neo, isang art director na makakatrabaho ni Trina to be played by Yassi na isa namang receptionist na naging copywriter sa isang ad agency.

Tatlong beses nang nasawi sa pag-ibig si Trina at nang dumating nga sa buhay niya si Neo, muli siyang naniwala sa forever. Pero paano kapag nalaman niyang may anak na ito at umeeksena pa rin ang nanay ng bata? Forever na nga ba siyang magiging third wheel at third party? ‘Yan ang kailangan n’yong alamin kaya watch na!
q q q
Naglabas ng saloobin si Jericho Rosales tungkol sa palala nang palalang problema ng bansa sa traffic. Kapag hindi raw ito nasolusyunan, baka raw sa probinsya na lang siya manirahan.
Sa kanyang Facebook account idinaan ni Echo ang kanyang reklamo: Aniya, “Sa araw-araw na pagmomotor at maneho ko, isa lang ang malungkot na tanong ko—bakit tayo umabot sa ganito?
“Halimaw na trapik na nagpapabago ng ugali ng mga Pilipino. Bwakawan at garapalan na sa kalsada. Sigawan na umaabot pa sa umangan at ambaan. Minsan sa malungkot pa na ka-tapusan.
“Ngayong madali na ang magkasasakyan at kaya na bumili ng Pinoy oto at motor, ano na? Mukha na ba tayong maginhawa sa buhay? Maginhawa nga ba kinahantungan? Nauna na ang porma at ‘status symbol’ bago ang karunungan at kaalaman. Deadma na sa seminar at ‘classroom lecture.’
“Ang dumi ng hangin natin. Ilan taon lang ang lumipas mula nang mas umunlad tayo, mas malala na rin sinisinghot natin. Yung mga kapwa ko na dating taga-probinsya at yung mga nasa probinsya, gusto nyo pa ba sa Maynila?
“Para sa akin, pag kaya ko na, babalik ako sa probinsya. Nariyan ang tunay na ginhawa. Dito sa Maynila, puro labanan na di naman mahalaga.”

Read more...