Reklamo ni Echo: Halimaw na trapik, bwakawan at garapalan sa kalsada!

JERICHO ROSALES

NAGLABAS ng saloobin si Jericho Rosales tungkol sa palala nang palalang problema ng bansa sa traffic. Kapag hindi raw ito nasolusyunan, baka raw sa probinsya na lang siya manirahan.

Sa kanyang Facebook account idinaan ni Echo ang kanyang reklamo: Aniya, “Sa araw-araw na pagmomotor at maneho ko, isa lang ang malungkot na tanong ko—bakit tayo umabot sa ganito?

“Halimaw na trapik na nagpapabago ng ugali ng mga Pilipino. Bwakawan at garapalan na sa kalsada.

Sigawan na umaabot pa sa umangan at ambaan. Minsan sa malungkot pa na ka-tapusan.

“Ngayong madali na ang magkasasakyan at kaya na bumili ng Pinoy oto at motor, ano na? Mukha na ba tayong maginhawa sa buhay? Maginhawa nga ba kinahantungan? Nauna na ang porma at ‘status symbol’ bago ang karunungan at kaalaman. Deadma na sa seminar at ‘classroom lecture.’

“Ang dumi ng hangin natin. Ilan taon lang ang lumipas mula nang mas umunlad tayo, mas malala na rin sinisinghot natin. Yung mga kapwa ko na dating taga-probinsya at yung mga nasa probinsya, gusto nyo pa ba sa Maynila?

“Para sa akin, pag kaya ko na, babalik ako sa probinsya. Nariyan ang tunay na ginhawa. Dito sa Maynila, puro labanan na di naman mahalaga.”

Read more...