Sunshine nabwisit na sa kapatid ni Cesar: Ano ba talagang gusto n’yo?

SUNSHINE CRUZ

HINDI na napigilan ni Sunshine Cruz ang kanyang galit sa kapatid ng kanyang estranged husband na si Cesar Montano.

Nabasa ng aktres ang tila pang-aasar na Facebook post ni Maria Mercedes “Ched” Manhilot Cantu sa kanya kung saan makikita ang litrato ng kanyang nakahiwalay na asawa kasama ang tatlo nilang anak na babae – sina Chesca, Angelina at Samantha Montano.

Medyo may katagalan na ang nasabing FB post ng kapatid ni Buboy pero ngayon lang nabasa ni Sunshine dahil may nagpadala raw sa kanya nito. May caption ang photo ng mag-aama ng, “TAKEN RECENTLY,” na may kasamang mga emoji na parang nang-aasar at nang-iisnab.

Narito ang bwelta ni Sunshine sa sister ni Cesar, “Someone sent this to me today. Remember, the past will never be changed but it does not mean it never happened. Just be happy your brother is still allowed to see his children.

“Took him 2 years to see them after you and your other siblings also reacted negatively when kids saw him accidentally in resorts world. You can at least try to focus on being a good Christian.

“Puro bible verses pa man din ang Facebook mo pero kabaligtaran naman ang pinagagawa mo samin ng mga anak ko. 5 years na ayaw nyo pa rin talaga lumubay. Nagpakalayo-layo na kami pero ayaw nyo talaga kami patahimikin. What do you want from me and my children?”

Sa comments section ng nasabing FB post, nagkomento ang tatlong anak nina Cesar at Sunshine laban sa kanyang “Tita Ched.”

Ani Angelina, “I would comment on her post but apparently she blocked me.”

Ani Chesca, “preACH!”

Hirit ni Samantha, “What a great tita (i’m being sarcastic).”

Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ni Ched Cantu.

Read more...