ANG bongga ng promo ng pelikulang “Ang Pambansang Third Wheel” nina Sam Milby at Yassi Pressman na nagsimula sa University belt. Ito ‘yung nag-ikot ang dalawa sa nasabing lugar kung saan may dala silang placard na may nakasulat na “free hugs”.
Sa presscon ng pelikula kahapon ay inamin ni Sam na matagal na niyang crush si Yassi, mula pa noong nakita niya ang dalaga sa awards night ng Metro Manila Film Festival (hindi na niya maalala kung anong taon). Parehong single ngayon ang mga bida ng “Ang Pambansang Thirdwheel” kaya naman tinukso sila ng press.
Kuwento ng binata, “Sobrang goofy siya, extrovert and I like that. She’s full of energy. Attracted ako sa kanya (sabay tingin kay Yassi), na-attract ako sa ‘yo. Nakita ko siya sa MMFF at may ginawa siyang movie at (naging) crush ko siya roon.”
Tinanong si Sam kung ano pa ang hinihintay niya, tutal naman daw ay pareho silang walang karelasyon ngayon ni Yassi, (hindi nakapagsalita agad ang aktor), “Ha-hahaha! Awkward!” pabulong nitong sabi. “Parang on the spot, ano ba ‘tong ginagawa ko. First of all, in terms of Yassi, she’s my type, but as of now, (kaka-break lang nila ng girlfriend niya), so I have to be ready before getting into another relationship.
“I may sound cliché but, it’s true. I’m happy where I am right now, because I’m doing a lot of personal growth, so I’m not trying to make it as an excuse sa tanong ninyo, but that’s’ the truth,” sagot ni Sam.
Dugtong pa niya, “Yes I’m not looking for a girlfriend right now, I’m looking for a wife, permanent. I’m turning 34 now. Ayoko nang mag-waste ng time, kung sinuman ‘yung next, dapat siya na talaga.”
Showing na ang “Pambansang Third Wheel” sa March 7 nationwide mula sa Viva Films at IdeaFirst Company sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal.