Bromance: 2 kilalang boylet sa showbiz buking na ang relasyon

“AKALA mo lang wala pero meron, meron, meron!” Pamosong linya ito ni Carlo Aquino sa pelikulang “Tanging Ina” na sana’y hindi namin marinig mula sa bibig ng madlang pipol na sumusumpang may namamagitan ngang bromance sa dalawang boylet na ito.

Bagama’t idinaan sa blind item ang tungkol sa umano’y pagkakaroon nila ng something, ang pagiging visible nila together ay tila nagkukumpirma na higit pa sa brotherly kembot ang meron sila.

Hindi raw kasi nag-iingat ang dalawa sa kanilang mga kilos kaya marami nang nakakaalam sa kanilang supposedly secret affair.

Between the two ay mas kilala sa showbiz circle ang mas batang boylet, who has had a good number of showbiz liaisons.

Samantala, ang mas may edad sa kanila’y mas seryoso sa larangang kanyang pinasok sa showbiz, a total departure from the world he had lived in for the longest time.

Gusto naming marinig ang exact opposite na linya ni Carlo to end all aspersions cast on them, “Akala mo lang havey, pero waley, waley, waley!”

Pero gay lingo pa rin ang gamit?

Read more...