KZ Tandingan pinagkaguluhan sa shopping mall ng China


INSTANT superstar talaga ang Soul Supreme na si KZ Tandingan sa China.

Dahil sa mga pasabog na performance niya sa biggest singing competition sa China na Singer 2018, biglang sikat nga si KZ sa mga Chinese. Patunay diyan ang pagpapa-picture sa kanya ng mga tagaroon habang nagsa-shopping sa Changsha Mall.

Sa Instagram account ng kanyang manager na si Erickson Raymundo ng Cornerstone, naka-post ang video habang nag-iikot si KZ sa Changsha Mall kung saan maraming Intsik ang naka-recognize sa kanya.

May caption ito ng: “It became an Instant photo op with her Chinese fans. Kaka proud when non-filipinos actually recognize her now. #KZTandingan #Singer2018!”

Ang huling performance ni KZ sa nasabing contest ay gumawa muli ng ingay kung saan kinanta niya ang hit song ng A Great Big World na “Say Something.” Nakuha niya ang ikaapat na pwesto. Ibig sabihin, patuloy pa rin siyang lalaban sa sikat na sikat na contest sa China.

Read more...