Kris sa pamilya ni Jinggoy: Never naman nila akong pinersonal!

ILANG linggo nang tapos ang kaarawan ni Kris Aquino pero patuloy pa rin siyang nakatatanggap ng regalo mula sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Isa na riyan si San Juan City Vice Mayor Janella Ejercito, anak nina dating Sen. Jinggoy Estrada at Precy Ejercito na inaanak pala ni Kris sa binyag.

Kung hindi pa pinost ni Kris ang padalang regalo ni Janella ay hindi malalaman ng followers niya na magkaibigan pala sila ng pamilya Ejercito. Matatandaang nakulong si Sen. Jinggoy during the Aquino administration.

Sabi ni Kris, “And the birthday surprises continue arriving, this is super cute! Each bottle of personalized pink Kris candy is labeled w/ my signature logo. Thank you for the thoughtfulness, my inaanak San Juan Vice Mayor @jelejercitoestrada.”

Say naman ni Janella, “You’re welcome Ninang! Love you.”

Nagpauna na si Kris na suportado niya ang inaanak sa susunod na election, “@jelejercitoestrada count on me to stand w/ you in 2019.”

Nabasa naman ito ng mommy ni Janella na si Ms. Precy kaya sumagot ito ng, “@krisaquino, thank you mare.”

May follower si Kris na nagtanong, “@lopezging, Di ba napakulong ni PNoy (dating Pangulong Noynoy Aquino) ang tatay n’ya (Sen. Jinggoy) dahil sa plunder walang problema dun?”

Sagot kaagad ni Kris, “@lopezging Ms. Lopez – that is why I hold my pareng Jinggoy & his family in affection. Hindi nila ko ever pinersonal. I am Vice Mayor @jelejercitoestrada’s Baptismal ninang. Jel & her mom Precy & I keep in touch. Please respect our choice to maintain our friendship.”

Kaagad namang bumawi si Ms. Lopez at nag-reply ng, “Okay Ms. Kris, na-curious lang ako.”

Isa pang regalo ang natanggap ng Queen of all Media mula sa mga inaanak niya sa kasal na sina Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga.

Post ni Kris, “I got home from a pre-lunch event for @ultherapyph & saw this huge & beautiful arrangement of my favorite pink roses from @celestinegonzaga & Direk @paulsoriano1017.

“Thank you to my inaanaks for the thoughtfulness! February 27 & I’m still receiving heartwarming birthday surprises. #grateful,” pagpapasalamat pa ni Kris sa kanyang mga inaanak sa kasal.

Read more...