“As the father of the organization, my heart bleeds when I sign dismissal orders for delinquent policemen. It’s a tough decision, but it had to be done for the sake of the organization,” sabi ni dela Rosa sa isang pahayag.
Ayon sa PNP Public Information Office, sa kabuuang 398 sinibak na pulis, 151 dito ay positibo sa paggamit ng droga, samantalang 16 ay sangkot sa iligal na droga.
Samantala, umabot sa 91 ang sinibak dahil naman sa absent without official leave (AWOL); 10 dahil sa kidnapping; 22 dahil sa murder; anim dahil sa homicide; tatlo para sa rape; dalawa dahil sa parricide; at tatlo para sa illegal arrest at detention.
Bukod pa rito, 23 ang sinibak dahil sa robbery at extortion; 1 para sa graft at malversation; at 70 iba pa dahil sa grave misconduct dahil sa immorality, dishonesty, estafa, at paglabag sa Batas Pambansa 22 o Bouncing Checks Law, ayon pa sa PIO.
Ipinag-utos ni dela Rosa sa PNP Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na patawan ng disciplinary action ang 1,216 iba pang pulis.