Tingnan: Ang sulat ni Sereno kaugnay ng kanyang indefinite leave

EPEKTIBO na bukas ang “indefinite leave” ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno matapos namang matanggap ng Office of the Clerk of Court en banc ang kanyang sulat kahapon para sa kanyang pagbabakasyon mula sa trabaho. 

Nakalagay sa sulat na nais ni Sereno na makapaghanda para sa kanyang depensa sakaling umakyat na Senado ang impeachment complaint laban sa kanya.

Hindi pa nagdedesisyon ang House committee on justice  kung may sapat na batayan para i-impeach si Sereno.

Bagamat tinawag ni Sereno na walang basehan ang mga ibinibintang   laban sa kanya, sinabi niyang nais niyang “to fully set out my defenses” sa pagdinig ng Senado.

“…until I shall have completed  my preparation for the trial,” sabi pa ni Sereno kaugnay ng kany indefinite leave.

Ito’y taliwas naman sa naunang sinabi ng isa sa kanyang mga abogado matapos sabihin na hindi ito indefinite leave.

Sinabi ni Josa Deinla na “wellness leave lamang ang bakasyon ni Sereno mula Marso 1 hanggang 15. 

Read more...