KAILANGANG may magbantay kay James Reid. Sayang na sayang ang magandang career ng guwapong aktor kung masisira lang nang dahil sa hilig niyang uminom. Parang droga rin ang alak. Maraming buhay at pangarap na sinisira lalo na kung walang disiplina ang manginginom.
Palaging nasasangkalan ang hilig sa pag-inom ni James Reid kapag nagkakaroon ng aberya sa mga trabahong tinatanggap niya.
Nale-late siya sa calltime, hindi na masyadong pinakikinabangan sa set, dahil meron pa siyang hangover.
Idinedenay ng kampo ng young actor ang mga ganu’ng kuwento pero paano nga ba sila paniniwalaan kung maraming nakakakita kay James Reid na palaging nasa bar at walwal nang walwal?
Pagtatanggol ni James sa kanyang sarili, dibersiyon lang naman ang kanyang pag-inom at hindi pa bisyo, ‘yun lang ang pampaalis niya ng stress mula sa halos magdamag at maghapong pagtatrabaho.
Sana nga ay ganu’n lang ang dahilan. Paano kung matulad siya sa ibang personalidad na parang hindi na kumpleto ang buhay kapag hindi nasasayaran ng alak ang kanilang lalamunan?