Press launch para sa bagong project ng KathNiel sa SMX pinatigil


HINDI inaasahan ng Frontrow founder na si Raymond “RS” Francisco na grabe ang kasikatan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sandamakmak na fans ang sumugod sa launch ng dalawa bilang bagong endorsers ng Frontrow.

“Nang ni-launch namin sina Kathryn at Daniel, hindi namin alam na ‘yung turnout ay nag-double. ‘Yung SMX Convention ay nagagalit na kasi hindi na kasya (ang fans). Puno na ang haba pa ng pila sa labas. So, hindi namin alam ang gagawin.

“Ang nasa plano ko, maluwag, puwede kang maglakad, chumika. Lalo na nu’ng lumabas na si Daniel sa stage, may mga natutulak. I have to intervene and stop (the show). Sabi ko, ‘stop lang tayo muna, everybody stop lang.’ Sabi ko, ‘guys walang tulakan. Alam ko gusto lang nating makita sina Daniel at Kathryn,” chika ni RS sa thanksgiving presscon niya after niyang tanghaling Best Actor sa katatapos na Star Awards for Movies.

So paano siya nag-celebrate ng kanyang victory?

“Right after the awards night, nasa hotel lang kami with my friends. Noong unang nanalo ako ng best actor sa Sinag Maynila ay hindi ako naghanda (ng speech). Pagdating ko sa stage ng Sinag Maynila, ang tumatakbo sa isip ko, lagot ka hindi ka naghanda. Naiyak na alng ako. Nagpa-thank you na lang ako.

“Same dito sa Star Awards, hindi ako naghanda (ng speech). Pero dahil nanalo, ‘yung ibang friends ko said, ‘tara na, tara na.’ So, doon lang kami sa hotel, nagkuwentuhan, nagtawanan. Then nag-celebrate kami sa Core. I treated my Frontrow members and some friends.”

Read more...