Kristoffer handa nang magbilad ng katawan


GAME na game na ring magpakita ng kanyang hunky body ang Kapuso young actor na si Kristoffer Martin.

Pinagpiyestahan ng kanyang social media followers ang mga sexy photos ni Kristoffer na ipinost niya sa Instagram, kabilang na ang ilang litrato niya na kuha sa beach kung saan kitang-kita ang kanyang abs.

Sa nakaraang presscon ng GMA Records para sa bagong single ng binata titled “Paulit-Ulit”, sinabi ni Kristoffer na handa na siyang sumabak sa mas mature at daring roles, kabilang na ang pagpapakita ng kanyang hubad na katawan. Ready na raw siyang ibandera sa mga tao ang pinaghirapan niya ng ilang buwan sa loob ng gym.

“Kung kailangan talagang ipakita (ang katawan), okay naman, ready ako, basta maayos ang pagkakagawa. Kung hindi naman lalabas na bastos at talagang super ganda ng material, why not. I’m up to the challenge.

“It’s already time to level-up everything, tapos na ang tween star days. Ngayon, mas matindi ang drive ko to improve as an actor at ipakita sa lahat ng I can do things kung saan lalabas ang lahat ng talent ko. Mas matinding challenge mas okay,” sey pa ni Kristoffer.

Sa katunayan, ngayon pa lang ay excited na ang binata sa bagong pelikula na gagawin niya kung saan puro bigating artista ang makakasama niya, kabilang na raw ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Hinihintay na lang daw nila ang gaganaping story conference at ang schedule ng kanilang shooting.

Habang wala pang bagong proyekto sa GMA (huli siyang napanood sa Super Ma’am ni Marian Rivera, magiging busy muna si Kristoffer sa pagpo-promote ng kanyang latest single, ang “Paulit-Ulit.” Sey ng Kapuso actor, alam niyang hindi talaga siya singer, pero sa kanyang puso, love na love raw niya ang music.

Kaya nga nang alukin siya ng GMA Records na karirin na rin ang pagkanta, ay hindi na niya ito tinanggihan. I fairness, after topping the charts on the week of its launch, “Paulit-Ulit” is now tugging at the hearts of viewers as it serves as the official theme song of Fight For My Way, ang pinakabagong Koreanovela sa GMA Telebabad.

“Ito ‘yung song na mapapa-LSS (Last Song Syndrome) ka talaga. Matapos ko nga siyang i-record, isang linggo na yata ang nakakalipas pero na-LSS pa rin ako! ‘Yan din ang laging sinasabi ng mga tao once na mapakinggan na nila ‘yung kanta.”

Dugtong pa ng binata, “I write songs, and I’m trying to learn how to arrange it din. Kaso ang mga nasusulat ko, puro masasakit.”

“Paulit-Ulit” is now available for downloading and streaming on iTunes, Spotify, Amazon and other digital stores worldwide.

Read more...