ANG daming pelikulang naka-line up na gagawin ng Star Cinema bukod pa sa pakikipag co-produce nila sa ibang movie outfit tulad ng Cineko Productions at pagbili ng foreign films.
Ipalalabas ngayong araw, Peb. 28 ang latest movie na “Never Say Die” sa direksyon nina Song Yang at Zhang Song Yang starring Ai Lun, Ma Li, Shen Teng, Tian Yu at Xue Haowen.
Movie adaptation ito mula sa stage comedy na parehong titulo na ni-release sa China noong 2017.
Nakatsikahan namin si Mr. Walter Co na siyang bumili ng “Never Say Die” and distributed by Star Cinema.
Si Mr. Walter ang nagdala ng hit movie na “Dragonball Z” sa Pilipinas 10 years ago kaya tinanong namin kung bakit natagalan bago siya bumalik sa pagbili ng foreign movies.
“This movie (Never Say Die) is a box-office phenomenon in China, it was shown sometime last year. They started October and it was shown same time with ‘The Foreigner’ of Jackie Chan, ang gross nito was P75 million in its entire run, itong ‘Never Say Die’ grossed P320 million in US dollars. Can you imagine, more than four times? Kaya naintriga ako,” kuwento ni Mr. Walter Co.
At para mabili ang pelikula, “I ask some friends in the distributing industry for television for theatrical release. This is what I’m doing for a long while. I’m one of the very first few people who started bringing in ng Dragonball Z na cartoons, Doraemon, then mga Chinovelas,” aniya pa.
Bukod sa “Never Say Die” ay may isa pa silang nabili, ang “Brotherhood” (British) na mapapanood na sa March 21 sa Pilipinas.
q q q
Parang eksena sa pelikula ang episode ng Hanggang Saan nitong nakaraang Lunes.
Inabutan ni Sonya (Sylvia Sanchez) ang mga anak na sina Paco (Arjo Atayde) at Domeng (Yves Flores) na nakahandusay matapos silang pagbabarilin ni Jacob (Ariel Rivera).
Parang painting ng mother and child (Pieta) ang dating sa amin ng eksenang iyon ni Ibyang habang sumisigaw para humingi ng tulong.
Gustung-gusto rin namin ang eksenang nasa ospital siya at napaupo na hindi malaman ang gagawin dahil nag-aagaw-buhay na nga ang kanyang dalawang anak.
Pataas nang pataas ang emosyon ng mga eksena dahil wala pang 24 oras na nakakalaya si Sonya ay heto’t pinagbabaril ang dalawa niyang anak.
Ang galing ng acting ni Ariel bilang si Jacob nang ibalita sa kanya ng asawang si Jean (Teresa Loyzaga) na patay na si Roman (Junjun Quintana) na assistant niya dahil nangako siya sa magulang nito na pagbabayarin niya sa batas ang pumaslang sa anak nila.
Nagulo naman ang relasyon nina Anna (Sue Ramirez) at Archie (Marco Gumabao) nang ibalita ni Georgette (Maxine Medina) na nawawala si Paco. Hindi kasi alam ni Archie na magkasama ang kasintahan niya at ex-boyfriend nito.
Curious kami kung mabubuhay si Domeng dahil masama ang tama nito sa likod at obviously, mabubuhay si Paco dahil hindi pa tapos ang laban niya para sa ina laban kina Jean at Jacob.
Sabi ni Ibyang, “Abangan mo, marami pang mangyayaring ikagugulat ng lahat.”
Ang gagaling ng buong cast ng Hanggang Saan dahil walang maliit na role para sa kanila kahit na supporting. Mapapanood ang Hanggang Saan pagkatapos ng Asintado ni Julia Montes sa ABS-CBN.