Relasyong Ryan-Marian fake news


BINUWELTAHAN ni Ryan Agoncillo ang isang netizen na nagpapakalat ng malisyosong tsismis tungkol sa kanila ni Marian Rivera.

Nag-post kasi ng litrato si Ryan sa kanyang Instagram account na kuha habang tumutugtog ng gitara. Sa comments section, may IG user (@mba125_389) ang nagbigay ng malisya sa pagitan ng TV host at ng GMA Primetime Queen.

Sabi ng netizen, “Para ba ito sa crush mo na si Marian Rivera? Magteteleserye ka Ryan Agoncillo so it’s your chance. Naku mas seductive pa naman ang mga Kapuso actress at mas maintriga pa compare sa Kapamilya.

“Sigurado may kissing scene at bed scene yan baka kay Andrea Torres pa o kay Patricia Tumulak o kaya dun sa kung san may lihim syang pagnanasa kay Marian! Chance mo na yan lodi! At BOOOMMM sa mga susunod na buwan, hiwalayan na ang magaganap. Kawawang Judy Ann Santos.”

Nang mabasa ito ni Ryan, agad niyang binasag ang malisyosong netizen, “@mba125389 if you’re gonna use this much words and space, you could at least level up and be more imaginative and intelligent.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na natsismis si Ryan sa ibang babae, pero paulit-ulit din niyang pinatutunayan sa publiko na loyal at mahal na mahal niya ang asawa at hindi totoo ang mga malilisyosong tsismis tungkol sa kanya.

Sa katunayan, magse-celebrate na sila ni Juday ng kanilang 9th wedding anniversary sa April 28, habang maayos na maayos din ang married life nina Marian at Dingdong Dantes.

Read more...