Aktres iniwan ng super rich na BF, ibang babae ang pakakasalan


MAAGANG naunsiyami ang pakikipagrelasyon ng isang magandang female personality sa isang super-yamang lalaki dahil hindi rin naman pala magtatagal ang kanilang relasyon.

Maraming nakakapansin na halos lahat ng nagiging boyfriend ng magandang aktres ay mapera, isa lang ang sinasabing hindi, dahil ayon sa mga kuwentong kumalat ay siya pa nga ang gumastos sa kanyang ex na aktor.

Kuwento ng aming source, “Totoong nagkaroon sila ng relasyon ng isang rich guy. Super-rich dahil kilalang-kilala ang family ng guy sa business industry. Magkakaiba pala kasi ng level ang mga milyonaryo.

“Merong Class A, may Class B, may ganu’n pala sa kanila? Hindi pala ngayon at belong ka sa mayamang pamilya, e, ‘yun na ‘yun! May kani-kanyang stage din pala ang pagiging rich?

“At ‘yung naging BF ng girl, e, belong na belong sa Class A, kilalang-kilala ang pamilya niya sa larangan ng negosyo, magiging maganda talaga ang buhay ng girl kung magkakatuluyan sila,” sabi ng aming impormante,

Pero nagkaroon ng problema. Meron na palang nakatakdang pakasalan ang anak ng milyonaryong businessman, malapit nang maganap ‘yun, kaya kailangang magkalayo na ang rich guy at ang magandang aktres.

“Napakasakit naman nu’n para sa girl! Minamaliit ba siya ng family ng guy? Minahal niya ang lalaki, minahal din siya, nagmahalan sila pero hanggang ganu’n lang naman pala ‘yun dahil may iba ring pakakasalan ang guy?

“Mismo! Ang pakakasalan ng guy, e, kalahi nila, madatung din siyempre ang girl, sila raw ang dapat na magpakasal para hindi na kumalat pa ang kayamanan nila. So, ano ang nangyari?

“Kinailangang hiwalayan ng guy ang kanyang girlfriend dahil tutol ang family niya sa babae. Hindi rin naman gusto ng girl na maging mistress lang siya, never sa totoong buhay, sa pelikula lang siya makapapayag na maging escabeche!

“Hindi pa siguro panahon para magpakasal ang girl, maganda ang career niya ngayon, saka gustuhin man niya, e, hindi rin naman puwede dahil may usapan na ang pagpapakasal ng hiniwalayan niyang boyfriend at ng kalahi nilang girl!

“Sabi ng mga miron, e, sayang naman daw ang chance na maging tunay na sanang magiging rich ang girl na ito. Rich na rich na sana siya, pero nabulilyaso pa!” pagtatapos ng aming source.

Bigay na bigay na kung sino siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kaya isa lang ang sigurado, hindi kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Read more...