Dengvaxia, di dahilan ng pagkamatay ng mga bata

BAKIT hindi naging malaking balita ang report ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) na ang naiulat na pagkamatay ng mga bata sa Dengvaxia controversy ay hindi dahil sa anti-dengue vaccine?
Hindi naman kasi interesado ang ilang tao na nakapagbuo nito na kani-kanilang opinyon dahil sa naunang maling ulat.
Pero dapat lang bigyan ng importansiya ang ulat ng UP-PGH u-pang maliwanagan ang karamihan.
Obligasyon ng media na ituwid ang maling ulat.
At paano nalaman ng mga magulang ng batang namatay na ang Dengvaxia vaccine ang naging dahilan?
Isa lang ang magiging sagot diyan: Ang mga ito ay binayaran ng mga taong ibig sumira sa reputasyon ng ilang personalidad upang mapabango ang kanilang pa-ngalan.
Kawawa naman si dating Health Secretary Janette Garin dahil sinisira ang kanyang magandang pangalan.
Sa pamamahala kasi ni Garin nagkaroon ng mass immunization ng Dengvaxia sa mga public schoolchildren.
***
Mismong si Presidential Spokesman Harry Roque ang nagsabi sa media noong briefing sa Malakanyang noong Pebrero 3 na ang tatlong batang namatay ay hindi dahil sa Dengvaxia.
Sabi naman ni Health Undersecretary Enrique Domingo, hindi tumalab ang Dengvaxia vaccine sa mga batang namatay at hindi ito ang dahilan ng kanilang pagkamatay.
Pinagbasehan ni Domingo ang ulat ng UP-PGH.
Ang sabi ng UP-PGH, ang tatlong batang naiulat na namatay ay hindi dahil sa Dengvaxia.
Ang ibang mga batang namatay ay dahil sa iba’t ibang sakit at hindi sa dengue.
***
Nakakatawa na si Justice Secretary Vita-liano Aguirre ang nag-utos sa Public Attorney’s Office o PAO na imbestigahan ang pagkamatay ng 14 bata dahil diumano sa Dengvaxia.
Sinabi ni Sen. Tito Sotto na walang karapatan ang PAO na mag-imbestiga dahil hindi medical group ito.
Tama si Sotto: Bakit nga naman mag-iimbestiga ang mga taong hindi scientific experts?
Anong karapatan nilang magsabi na namatay ang mga bata dahil sa Dengvaxia?
Napahiya tuloy ang PAO dahil sa ulat ng UP-PGH, pero hindi nabigyan ng importansiya ang ulat ng UP-PGH sa mga diaryo, radyo at telebisyon.
***
Kahit na may ulat na ang UP-PGH tungkol sa Dengvaxia controversy, patuloy pa rin ang House of Representatives na mag-imbestiga.
Bakit?
Dahil gusto ng mga congressmen na makita naman ang kanilang mga mukha sa TV.
Gusto nilang magkaroon din ng publicity at sabihin ng taumbayan na may ginagawa sila.
Dapat paalalahanan ang mga mambabatas na ang kanilang unang trabaho ay gumawa ng mga batas at hindi mag-imbestiga at hiyain ang mga taong inimbita nila.
Nakakasuka na kayo, mga pare ko!
***
Ang tagal na ng hea-ring na yan!
Kailan yan magtatapos? Saan ang patutu-nguhan niyan?
Ang sagot: Walang patutunguhan at tatapusin lang kapag panis na sa publiko ang balita.
Isa lang ang sigurado na naging resulta ng imbestigasyon: Nasira ang reputasyon ng ilang tao at nawalan ng tiwala ang taumbayan sa Department of Health (DOH) bilang guardian of public health dahil sa Dengvaxia controversy.
Ang deworming o pagtanggal ng bulate sa mga bata at ibang immunization program ng DOH ay hindi na pinaniniwalaan ng publiko.
Kapag nagkataon, magkakaroon tayo ng epidemic ng kung ano anong sari-saring sakit ng mga bata, gaya ng polio, dahil hindi na sila nabigyan ng immunization vaccines.
Ipagdasal nating huwag mangyari yan.
***
Ano itong balita na inaayunan ni Health Secretary Francisco Duque III si dating Secretary Garin sa pagbigay ng Dengvaxia sa mga kabataan, pero ayaw niyang lumantad sa publiko?
Ayon sa aking mga espiya sa DOH, takot si Duque na maungkat ang kanyang baho noong siya’y health secretary noong panahon ni Pa-ngulong Gloria.
Kapag naman kasi maungkat ang mga kontrobersiya ni Duque noon, baka di siya ma-confirm ng Commission on Appointments.
Pero dahil nakumpirma na ang kanyang appointment, baka naman lumantad na si Duque sa publiko at sabihin na walang ginawang anomalya si Garin.

Read more...