Kyline Alcantara epektib na kontrabida sa Kambal, Karibal


NAGKAROON ng fan meet and greet ang Kambal, Karibal star na si Kyline Alcantara na ginanap sa Sky Ranch Tagaytay kamakailan para pasayahin ang mga sumusuporta sa kanya.

Sama-sama silang nag-enjoy sa mga rides, nagkwentuhan at nagsalo sa pagkain. Pahinga muna siya sa pagiging kontrabida niya at ipinakita ang pagiging mapagmahal niya sa kanyang supporters.

Ibang-iba ito sa karakter niyang si Cheska sa primetime serye ng GMA na Kambal Karibal dahil sukdulan na ang kasamaan ng ugali nito nang dahil na rin sa kagagawan ni Crisel na nasa loob pa rin ng kanyang katawan.

Hindi kasi nasiyahan ang huli dahil tila hindi masaya si Crisan (Bianca Umali) na makita siyang nabubuhay sa katawan ng ibang tao.

Sa sobrang inis niya na pati ang lola niyang si Anicia (Gloria Romero) ay nakikialam na rin, itinulak niya ang wheelchair nito para masagasaan ng sasakyan. Ano ang kailangang gawin ni Crisan para mapigilan ang masasamang ginagawa ng dalaga?

Napapanood ang Kambal Karibal sa GMA Telebabad after Sherlock Jr.. Kasama rin dito sina Carmina Villaroel, Jean Garcia, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Bianca Umali at marami pang iba.

Read more...