Kalat na: Alden itatambal daw sa sikat na Thai actress, AlDub Nation umalma

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

PINAAGA ni Maine Mendoza ang summer. Lumarga siya sa Camara Island sa Zambales at muling nagtampisaw sa dagat!

Sa kanyang Instagram Stories, inilabas ni Meng ang video ng pagsakay nila sa motorized banca kasama ang ilang kaibigan.

Nabitin nga lang ang kanyang social media followers sa photos na ipinost ng Phenomenal Star sa kanyang IG. Feel na feel niyang magkaroon ng tan base sa mga caption na isinulat niya patungkol sa mga litrato.

Nitong nakaraang weekend, nakibahagi si Maine at ilang Kapuso stars sa pagdating ng Fil-Am make up guru na si Patrick Starr.

Dumating sa bansa si Patrick para i-promote ang kanyang line of cosmetics para sa international brand ng make up kung saan endorser naman si Maine.

Isa sa nag-welcome kay Meng sa event ay ang professional make up artist na si RB. A Chanco. “With the newest addition to the @maccosmeticsph family! Happy to finally meet you @mainedcm,” saad ni Chanco.

Bukod kay Maine, naki-selfie rin kay Patrick ang ilang Kapuso artists gaya nina Bianca Umali, Arra San Agustin at Joyce Ching.

Birthday month ngayong March ni Maine so abangers na lang tayo sa mga pasorpresa niya sa kanyang followers.

Samantala, inalmahan ng AlDub Nation ang lumabas na balitang balak ipareha si Alden Richards sa isang Thai actress, huh!

Wala pa kaming nakukuhang detalye kung totoo ang balitang ito. Basta sa lahat ng AlDub fans, kapit lang at ipagpatuloy ang pagdarasal na sana’y magkaroon na rin ng follow-up project sina Maine at Alden na magkasama.

Read more...