Ka-look alike ni Kathryn instant superstar sa social media

VIRAL ngayon sa social media ang photos ni Patricia Jhoy Letran.

Netizens are all agog na i-add sila nito sa kanyang Facebook account. Mostly ay fans ng La Luna Sangre star na si Kathryn Bernardo ang gustong maging friend sa FB si Patricia.

Why? Because she has a close resemblance to Kathryn. Para silang pinagbiyak na bunga. That’s the reason kaya nag-viral ang bagets sa social media.

Nang mag-change ng profile picture niya si Patricia ay umabot sa 50,000 ang nag-react, 8,500 ang nag-comment at 17,000 ang nag-share ng kanyang photo according to one Facebook fan page account.

Inakala ng marami na si Kathryn iyong nasa picture.

Overwhelmed, “OMG THANKYOUUU” na lang ang nasabi ni Patricia sa kanyang post.

Malaki nga naman talaga ang pagkakahawig nila ni Kathryn, lalo na sa hugis ng kanilang mukha. Actually, may mga photo pa nga siya na aakalain mong kambal sila ng young actress.

Samantala, patindi nang patindi ang mga kaganapan sa La Luna Sangre lalo na’t magtatapos na ito this week. Nagsagupa na sina Sandrino (Richard Gutierrez) at Tristan (Daniel Padilla). Siyempre, todo suporta naman si Malia (Kathryn) para masupil na nila ang kasamaan ni Sandrino.

Read more...