Senado ipinag-utos ang pag-aresto kay ex-poll chief Bautista | Bandera

Senado ipinag-utos ang pag-aresto kay ex-poll chief Bautista

- February 26, 2018 - 06:38 PM

IPINAG-UTOS ng Senado ang pag-aresto kay dating Commission on Elections (Comelec) chair Andres “Andy” Bautista matapos mabigong siputin ang mga pagdinig kaugnay ng kanya umanong hindi maipaliwanag na yaman.

Sinabi ni Sen. Francis Escudero, chair of the committee on banks, financial institutions and currencies, na pinirmahan na nina Senate President Aquilino “Koko” Pimentel at Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) Jose Balajadia ang warrant of arrest laban kay Bautista noon pang Miyerkules.

“The warrant would be forwarded to Bautista’s addresses,” sabi ni Escudero.

Nauna nang ipinag-utos ng komite ni Escudero na i-cite si Bautista for contempt at ipinag-utos ang pag-aresto sa dating poll chief.
Sa kanyang sulat, iginiit ni Bautista na wala siyang natatanggap na imbitasyon para dumalo sa pagdinig ng Senado.
Nauna nang inakusahan si Bautista ng kanyang dating misis na si Patricia, ng pagkakaroon ng halos P1 bilyong bank account at pagmamay-ari ng 30 bank account sa Luzon Development Bank (LDB) na nagkakahalaga ng P329 milyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending