NAGING biktima rin si Mark Bautista ng sexual abuse noong bata pa siya.
Isa ito sa inamin ng singer-actor sa kanyang isinulat na libro na “Beyond The Mark”. Aniya, nangyari ang pangmomolestiya sa kanya ng kanyang “distant cousin” noong six years old pa lang siya.
“I would consider it more of an assault. For the longest time, never ko ‘yan napag-usapan even sa family ko, even sa mga kaibigan ko. May pressure, naging aggressive yung distant cousin ko.
“In-expose niya yung sarili niya sa akin, parang pinipilit niya ako to do a sexual act. Ganu’n yung nangyari pero natakasan ko yun.
“Pero ang daming tanong sa isip ko, but I think sa edad ko rin na ‘yun, hindi pa ganu’n kalalim yung pag-intindi ko sa mga ganu’n bagay, so parang kinalimutan ko na lang siya,” pahayag ni Mark sa panayam ng Kapuso Mo Jessica Soho last Sunday.
Dagdag pa ni Mark, “Kapag nakakakita ako ng bata na naglalaro sa lansangan, or alam kong parang napapabayaan ng parents, parang nato-trauma ako, I don’t know. Sabi ko, just be careful with the people that surround your kid.
“Kilalanin siguro yung mga taong pumapaligid sa mga anak niyo, kasi minsan it’s beyond the parents’ control or the kid’s control. Talagang nasa tao iyan na dapat sana intindihin niyo yung effect niyan sa bata,” dugtong niya.
Tinanong siya ni Jessica kung ang naging traumatic experience na iyon noong bata siya ang isa sa mga rason kung bakit nagbago ang kanyang gender preference, “I would like to believe na hindi, pero major part siya sa nangyayari ng buhay ko.”
Dito rin hayagang inamin ni Mark na isa nga siyang bisexual, meaning pwede siyang magkarelasyon sa babae o sa lalaki, “I love both sexes, yeah. Bisexual. Sinabi ko naman sa book na if God will give me the right person na para sa akin, then I will embrace that.”
Gusto rin daw ni Mark na magkaroon ng mga anak in the future, “Yeah, I want to have kids, I want to have a family kung mabigyan ng pagkakataon. Di ba ang sarap nu’n?”
Nilinaw din ni Mark na wala siyang gustong siraan o wasakin na ibang tao sa paglalantad ng kanyang tunay na pagkatao sa pamamagitan ng kanyang libro.
“First of all, wala akong idinetalye nang sobra sa book. I have to like, tap on those experiences, my past experiences. Dahil those experiences made me who I am today,” paliwanag niya.
“It’s not my intention to out anyone. You have to respect each other’s journey and being silent can also be authentic. Sana respetuhin din ng mga tao. Ito yung nature ko, e.
“Gusto ko lang na, hindi ako komportable pag masyado akong maraming walls. Nakikita ko na parang ang dami palang tao na dumadaan sa same story nu’ng sa akin. So in one way or the other, baka nakatulong din ako sa kanila,” hirit pa ni Mark Bautista.