Clique V magpapasabog na sa Music Museum


NGAYONG gabi na sasabak ang Clique V sa kanilang first major concert sa Music Museum.

Super happy ang grupo sa mahusay na pagma-manage ng 3:16 Events & Talent Management sa kanilang career. Pagkatapos ng launching ng kanilang debut album, isinabak na rin sila sa concert scene.

“They are very hard working at talagang seryoso sila sa kanilang mga ginagawa. Makikita mo sa kanila yung dedication to succeed,” sabi ng kanilang manager at Presidente ng 3:16 Events na si Len Carillo.

Ganadong tulungan at i-build up ni Len ang Clique V dahil seryoso ang mga bagets sa ginagawa nila. Masisipag raw mag-rehearse at disiplinado.

Kahit lovelife ay isinakripisyo ng grupo para mag-focus sa career nila. Ang mga babae raw ay nandiyan lang naman pero gusto muna nilang sunggaban ang opportunity na dumating.

Maraming pasabog sa “Clique V Live!” concert. Inaabangan na ang ala-Magic Mike na production number ni Sean with Viva Hot Babe na si Sheree. Kakanta rin ng solo sina Marco, Rocky at Clay. May paandar din sa dance floor sina Tim, Josh at Karl.

Sigurado ring maririnig ang mga kanta nila sa kanilang mga album gaya ng “Pwede Ba, Teka Muna,” “Ako Na Lang Sana”, “Bakit Hindi”, “Magmula Ngayon”, “Mabuti Na Lang” at “Sana Naman”.

Special guests as show sina Rita Daniela, Marion Aunor, Arny Ross, Hannah Precillas, Sexbomb Mia, Cheche at Aira. Kasama rin ang Sexbomb New Gen at Philippine Island Assasin Dancers. Ito’y sa direksyon ni Joven Tan.

Read more...