HINDI natatakot ma-stereotype si MJ Cayabyab sa gay roles.
Sa Gelli In A Bottle episode kasi ng Wansapanataym ay bading na naman siya. Kasama niya sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Siya ang head ng clothing company ni Loisa. Nauna na siyang gumanap na beki sa Be My Lady bilang best friend ni Erich Gonzales at tumatak ito sa madlang pipol.
“Noong una, napanood nila ang performance ko sa Be My Lady at nagalingan po sila. Parang tumatak ‘yon sa tao. Hindi naman maiiwasan na ang tingin nila sa akin ay ganoon pero kapag nakausap na nila ako sasabihin nila, ‘ay hindi naman pala siya bakla.’
“Nasanay na ako. Natutuwa naman ako na nare-recognize nila ako. Hindi naman ako nao-offend,” say ni MJ sa Frontrow Universe Auto Show 2018 sa MOA concert Grounds B12 where he is one of the guests.
Performers during the show were Andrew E, Bamboo and Boyband PH. Namataan din namin ang Frontrow endorser na si Marlon Stockinger.
Meron na ba siyang indecent proposal sa gays? “Marami sa social media. Ang ginagawa ko na lang po sini-seenzone ko sila,” say ng binata na nagsimula sa showbiz bilang singer.
Pasabog ang car show ng Frontrow dahil nagpamigay sila ng 25 macbook, 25 ipads, tours, cash at isang brand new sports car.
Ikinuwento ni Frontrow founder RS Francisco at ng partner niyang si Sam Verzosa ang pinagdaanan nilang hirap sa multi-level marketing.
“You should have seen Frontrow on its first to three years. ‘Yung pharma namin sa US ay naghahanap ng exclusive distributorship. We have to prove na kaya naming ibenta ‘yung marami. But then, the few years ay hindi pa kilala kaya konti pa lang ang sales,” say ni RS.
RS revealed na he was into glutathione long before nauso pa ito sa bansa natin. “The best way to sell a product is for you to use it to be the product of your own product,” say ni Sam.