Ayon kay House committee on justice chairman Reynaldo Umali nagpadala na ang komite ng subpoena kay Dra. Genuina Ranoy. inimbitahan din ng komite Dra. Rhodora Andrea-Concepcion, pangulo ng Philippine Psychiatric Association, at Dra. Geraldine Tria bilang mga “resource persons” at “expert witnesses”.
Bukod kay Ranoy, ang psychiatrist na si Dulce Liza Sahagun-Reyes ay sumuri kay Sereno ng mag-apply ito sa Judicial and Bar Council sa posisyon ng Chief Justice.
Nauna ng sinabi ni dating SC Clerk of Court Enriqueta Vidal na si Sereno ay nakakuha ng ikalawa sa pinakamababang score sa psychiatric test noong 2012.
Nakakuha si Sereno ng score na 4 sa sa scale na 1-5 ang 5 ang pinakamababa. Bagamat si Sereno ay mayroong umanong ‘happy mood’ nakitaan din siya ng ‘depressive markers’.
Ngayong araw ang huling pagdinig ng Justice committee sa impeachment complaint laban kay Sereno.
Sa susunod na linggo ay magbobotohan ang komite kung mayroong probable cause at bago ang Holy Week break ng Kongreso ay boboto ang Kamara de Representantes kung dapat ma-impeach si Sereno.
Kapag na-impeach si Sereno, magsasagawa ng paglilitis ang Senate Impeachment Court na magdedesisyon kung aalisin si Sereno sa puwesto o hindi.
MOST READ
LATEST STORIES