TAMA ang naging desisyon ni KC Concepcion na tanggapin ang seryeng Huwag Ka Lang Mawawala ng ABS-CBN para maging kontrabida ni Judy Ann Santos. Puro papuri ang tinatanggap niya ngayon bilang ang sosyalerang si Alexis na kaagaw ni Anessa (Juday) kay Eros (Sam Milby).
Siyempre, tuwang-tuwa si KC sa mga nagsasabing perfect siya for the role at looking forward ang mga manonood sa mga sampalan, sabunutan at sapakan nila ni Juday sa nasabing Primetime Bida series. Sey pa ni KC, medyo nahirapan siyang mag-decide noon kung tatanggapin ang project o hindi.
“But it might’ve been harder to convince me talaga kasi of course, si Ate Juday talaga was the one who really personally called me and explained na gusto ko ikaw ang maging kontrabida ko dito. I said I have to think about it and then yun, until nalaman na lang niya naI accepted the project,” sey ng aktres-TV host sa isang interview.
Hangga’t maaari naman ay ayaw ni KC na maging typical kontrabida, gusto niyang maging versatile actress, yung tipong kahit na nagtataray at nang-aaway siya sa mga eksena, hindi iisipin ng mga manonood na masama siyang tao, “Ayoko maging typical kontrabida.
Kasi laging nakikita, di ba, from Tita Cherie Gil, or yung kay Ate Gladys Reyes, ang gagaling nila talaga, kaya gusto ko iba naman para hindi mai-compare.” Dagdag pa ng aktres, “Ang bidang kontrabida ngayon is something na mas accepted na ng tao kasi mas naipapakita ng ABS-CBN, especially yung buhay ng isang masasabi mong bida kontrabida na nalalaman naman nila kung bakit naging ganun.
Kumbaga sabi sa akin nu’ng mga director namin, mamahalin din si Alexis dito. Although ine-expect ko na rin na maraming .
“Pero marami rin siyang back story eh like simula nu’ng bata sila ni Eros, simula pagkabata nila magkasama na sila. Merong mga nangyayari na hindi niya rin ginagawa on purpose kasi nga masyado na silang magkakilala dito.
“Si Alexis siyempre ito yung ine-expect ng tao na kontrabida talaga pero siguro ang maganda kay Alexis, she is not the main kontrabida kasi you will not hate Alexis. She is some body na makikita niyo yung pinanggagalingan ng babae kung bakit siya naging ganu’n. Kung bakit siya nangangalmot pag binubulabog.
Kung bakit din siya yung marunong makipaglaban at ipaglaban yung sarili niya pag kinakailangan,” litanya pa ni KC.
Ayon pa sa Kapamilya leading lady, napakarami niyang natututunan sa serye, bukod sa acting tips mula kay Juday, mas nakilala rin niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang karakter,“SiguroI can say na mas nakilala ko yung sarili ko nung natuto na ako na talagang na-experience ko na yung bumagsak, yung na-experience ko na yung totoong emosyon, yung iba’t ibang emosyon na nararamdaman ng isang babae dahil sa sobrang pagmamahal.
“Kaya kung you want to say na nagmaldita ka dahil natuto kang magmura or natuto kang magalit or natuto kang ipaglaban ang sarili mo, then it’s okay. Pero I wouldn’t say na pagmamaldita yun, nagpapakatotoo lang siya. I learned. In-explain sa amin yung backgrounds ng mga characters namin sa magiging eksena sodun lang kami naka-focus.
Natuto talaga ako mag-aral ng role,” chika pa ng anak ni Megastar Sharon Cuneta. Tinanong si KC kung ano kayang eksena sa tunay na buhay ang magpapalabas ng pagiging maldita niya, “Pag kunwari nananahimik ako tapos binulabog ako, mangangalmot talaga ako. Ha-hahaha!”