RYAN pinagselosan daw ang ‘HONEYMOON’ nina JUDAY at SAM; YOHAN bawal panoorin Ang Huwag Kang Mawawala

Nag-trending din ang teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala ni Judy Ann Santos kasama si Sam Milby nitong nakaraang linggo at base sa datos ng Kantar Media noong Huwebes (Hunyo 20) ay nakakuha ng 25.4% national TV ratings ang pilot episode ng bagong teleserye nina Judy Ann, Sam Milby, at KC Concepcion, kumpara sa nakuhang 17.8% ng katapat nitong programa sa GMA na Mundo Mo’y Akin.

Halatang maraming nasabik kay Juday kaya naman tinutukan ang HKLM lalo na ang mga babaeng nakaka-relate sa papel niya bilang asawa ng lalaking may problema sa pamilya. Samantala, hindi lang si Juday ang interesadong mapanood ng tao dahil inaabangan din nila si KC Concepcion kung paano maging kontrabida dahil nasanay nga naman tayong bida parati ang panganay nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Siyempre, pahuhuli ba naman ang abs ni Sam Milby na kinakikiligan ng mga babae lalo na kapag naghubad na nang pang-itaas at ang nakakatawa, nabitin daw sila sa love scene nina Juday sa gabi ng kasal nila kung saan naka-boxer shorts lang ang aktor.
Hello, may asawang tao si Juday at wholesome rin si Sam, alangan namang magpakita sila ng katawan. He-hehehe!

Tanda nga namin na sana raw tulog na ang panganay nina Juday at Ryan Agoncillo na si Yohan kapag umeere na ang Huwag Ka Lang Mawawala dahil tiyak na magwawala ang bagets kapag nakitang may ibang yumayakap sa mommy niya.

At siguro naman hindi pinagseselosan ni Ryan si Sam dahil alam naman niyang trabaho lang ito at higit sa lahat, mapagkakatiwalaan ang huli pagdating sa babae dahil hindi nito ugali ang manulot o makipag-flirt, di ba kapatid na Jobert Sucaldito?

Pero sabi naman sa amin ng isang sumusubaybay sa serye, imposible raw na hindi maapektuhan kahit paano si Ryan, pero siyempre, iniisip na lang niya trabaho lang walang personalan.

Read more...